Advertisers
TINANGHAL na “winner by default” si Philippine National Police (PNP) Chief, General Nicolas Torre, sa kanilang “charity” boxing match ni Davao City acting Mayor Sebastian “Baste” Duterte nang hindi sumipot ang huli sa inaabangang laban sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz, Manila nitong Linggo, Hulyo 27.
Matatandaang hinamon ni Duterte ng suntukan si Torre, pero lumipad ito patungong Singapore noong Hulyo 25.
Pero humirit ang 37-anyos na Duterte ng reschedule ng ‘charity’ boxing match. Aniya, hindi siya puwede ng Linggo, at sa Martes pa siya magiging available, iginiit na hindi siya umaatras sa naging hamon niya, pahayag niya sa kanyang Faceook account
“I cannot be there on Sunday. I have other things to do. But Tuesday, I’m available. Tuesday, Wednesday, but not Sunday,” hirit ng batang Duterte.
“Tuesday, Wednesday, or any other day.”
“So, I think, it’s better for you because you still have time to practice. Because your punching is a bit… when you jab, you immediately lower your hand. You need to defend your face. So, just a little advice, practice,” dagdag pa niya.
Binatikos din ni Baste ang pahayag ni Torre na nais nitong maging charity fight ang kanilang laban para sa mga biktima ng magkakasunod na bagyo at Habagat sa Metro Manila at iba pang probinsya.
“If you really just want a fight, why do you need charity? Why do you need the, do you need to use what’s happening right now with the floods in Metro Manila?”
Hinamon din niya si Torre ng suntukan sa labas ng boxing ring, na wala aniyang camera at gloves.
“If you want, I’ll come to you, no cameras. Let’s fight, no gloves. Why do you need anything? Are you serious about showbiz?”, ani Duterte.
“So if you really want it, it’s just the two of you. Either I’ll come to you, just the two of us, just bring your bodyguard with you so that if something happens to you, at least someone will be there to pick you through the hospital,” dagdag pa niya.
Nauna nang nagtakda ng kondisyon si Duterte nang kumasa si Torre sa hamong suntukan. Kabilang dito ang pagsasailalim ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at lahat ng elected officials sa hair follicle drug test bago sila sumailalim sa laban.
Samantala, tiniyak ni Torre na ang mga nalikom sa charity boxing ay mapupunta para sa ayuda sa mga nasalan-ta ng mga bagyo at habagat.
Umabot sa P300,000 ang halaga ng perang nalikom ng Philippine National Police (PNP) sa mga nabentang ticket sa “Boxing for a cause” na isinagawa nitong Linggo.
Ayon kay Torre, may P20 million din na halagang natanggap ang ahensiya para sa mga donasyon.
Ilalaan, aniya, ito sa mga biktima ng mga nagdaang bagyo at habagat na nagpalubog sa baha sa maraming lugar sa bansa.
Ayon sa PNP Chief, nakakolekta ang kanilang tanggapan ng higit sa P16.3 milyong halaga ng mga donasyon habang nakatanggap din ng mga bigas, delata at iba pang relief items ang Pambansang Pulisya mula sa mga iba’t ibang sponsors nito.
Ang naturang pondo at relief items ang siyang ipapamahagi sa mga nasalanta ng kalamidad, kungsaan nauna nang mamahagi ang PNP sa mga residente sa Baseco Compound, isa sa mga lugar na binaha dulot ng tuloy-tuloy na pag-uulan nitong mga nakalipas na araw.
Ang iba pang pondo ay ibi-nigay sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine Red Cross (PRC) at maging sa iba pang government organizations sa Quezon City.
Sa ngayon, naipaabot na ang mga paunang tulong na ito sa mga tamang ahensya at ilang residente, habang pa-tuloy sa kanilang pagtulong sa mga relief operation ang PNP.
Ibinigay naman sa PNP ng boxing legend at dating senador Manny Pacquiao ang kaniyang isang belt para ipa-auction at maitulong sa mga biktima ang malilikom na pera.(Mark Obleada/Jocelyn Domenden)