Advertisers
NASAWI ang tatlo katao nang lumubog ang sinasak-yan nilang motorbanca sa Cardona, Rizal, ulat ng Philippine Coast Guard nitong Sabado, Agosto 1.
Dalawa katao naman ang nasagip ng mga tauhan ng Coast Guard Station (CGS) Rizal.
Lumubog ang motorbanca sa vicinity waters na sakop ng Barangay Navotas noong Martes, Hulyo 29.
Galing ang mga biktima sa Barangay Subay sa Cardona at papunta sa Pililla nang masira ang kanang outrigger boom ng bangka dahilan para lumubog ito. Lima ang sakay nito.
Nagpatuloy ang mga tauhan ng CGS Rizal sa paghahanap noong Hulyo 31 at narekober ang isang bangkay.
Dalawa pang bangkay ang narekober sa search and rescue operations na nakilala naman ng kani-kanilang pa-milya nitong Biyernes, Agosto 1.
Itinurn-over na ang mga katawan sa Municipal Police para sa kaukulang imbestiga-syon at disposisyon.