Advertisers

Advertisers

USEC. CABRAL PAPALIT KAY DPWH SEC. BONOAN?

0 151

Advertisers

MAY napili nang bagong kalihim ng Department of Public Works and Highway (DPWH) si Pangulong “Bongbong” Marcos, matapos umugong ang plano ni Secretary Manny Bonoan na magbitiw sa tungkulin sa lalong madaling panahon.

Ayon sa DPWH insider, si Usec for Planning Services Maria Catalina Cabral ang posibleng italagang kalihim ng departamento dahil ito narin mismo ang sinasabi niya sa mga pulong ng mga opisyal.

Katunayan, sinabi ng source na nag-apply narin si Cabral bilang DPWH secretary noong magsumite ng courtesy resignation si Secretary Bonoan matapos hilingin ng Pangulong Marcos ang pagbibitiw ng cabinet members dahil sa naging resulta ng elek-syon.



Bukod sa pagiging Usec ng for Planning Service, si Cabral din ang may hawak ng Public Private Partnership at Informartion Management Service.

Sinabi pa ng source na si Cabral din ang pinagkakatiwaan ni Bonoan kaya halos lahat ng sensitibong posisyon sa departamento ay ibinigay na nito sa opisyal.



“Si Cabral narin ang irerekomenda ni Secretary Bonoan kay Pangulong Marcos na makapalit niya dahil iyong IMS, bigla lang ibinigay yun kay Cathy nang wala sa plano. Duda nga namin, iyong mga detalye na ibinigay para sa presscon ni PBBM ay kulang at mukhang sinala,” sabi pa ng source.

Gayunman, naniniwala ang source na may kapasidad talaga si Cabral na maging DPWH secretary dahil mahaba narin ang naging karanasan nito sa public works.



Naniniwala ang source na posible ring alisin ni Cabral ang lahat ng incumbent undersecretaries dahil nasangkot na ang mga ito mga maeskandalong proyekto kapag naupo na ito bilang kalihim.