Advertisers
NAHAHARAP sa kasong kriminal ang dalawang miyembro ng Highway Patrol Group-Soccsksargen (HPG-12) nang gahasain ang dalawang menor de edad na babaeng estudyante sa General Santos City.
Ayon kay HPG-12 Chief, Colonel Benito Recopuerto, ang mga suspek ay isang master sergeant at isang senior master sergeant.
“The criminal case already filed by this station and then administrative aspect already endorsed by my office to the IAS (Internal Affairs Service) and subsequently na forward napud nato ang kopya sa information sa HPG,” ani Recopuerto.
Batay sa ulat ng Golden State College, hinarang ng mga suspek ang dalawang 17-anyos na estudyante sakay ng motorsiklo dahil sa umano’y paglabag sa trapiko sa Barangay Calumpang. Dinala ang mga ito sa ibang lokasyon kungsaan nangyari ang panggagahasa.
Inalis na sa puwesto ang mga suspek at isinailalim sa restrictive custody, habang sumasailalim sa counseling at debriefing ang mga biktima.