Advertisers

Advertisers

Angelo Alarva Gustong Sundan Ang Yapak Ni Mommy Angelica Jones, Mommy Beth All-Out Ang Support Sa Apo; Beaver Magtalas Pang Leading Man Ang Dating!

0 47

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

DAHIL gwapo at talented at anak ng sumikat na actress-comedienne-singer na si Angelica Jones, pwedeng sundan ni Angelo Alarva ang yapak ng kanyang Mom Angelica.

Malaking factor na nakasuporta kay Angelo ang kanyang Lolang si Beth Jones na well connected sa showbiz at mahusay na naha-handle ang dekada nang career ng daughter na si Angelica na nagkaroon ng mga top-rating shows sa ABS-CBN at GMA.

Sa very successful birthday concert ni Maffi Papin sa Newport Resorts World Manila ay nainterview ko si Angelo at masaya nitong ikinuwento na may movie siyang gagawin at excited na siya para sa project na ito na kanyang pinaghahandaan ngayon.

Parehong may blessing daw ang kanyang Mommy Angelica at Lola Beth sa pagpasok niyang ito sa showbiz. May ilan na rin daw siyang showbiz friends na excited sa kanyang pag-aartista. At sa tanong kung may ibubuga siya sa acting lalo na sa drama scenes, kakayanin naman daw ito ni Angelo at meron na raw siyang experience na umarte.

Well, sa koneksyon ng kanyang Lola Beth tiyak na may mararating ang career ni Angelo at may karapatan naman siyang sumikat in the future.

Regarding sa personal issue sa kanila ng kanyang Dad, Ayaw nang mag-comment ni Angelo.

***

KAYA raw pagsabayin ng Kapamilya actor na si Beaver Magtalas ang kanyang showbiz career at studies. Priority ng young actor ang kanyang pag-aartista lalo’t thru online siya nag-aaral. And no exaggeration super gwapo itong si Beaver na pang leading man material ang dating.

Sabagay, kaya siya kinuhang talent ng Star Magic Philippines ay dahil nakitaan siya ng malaking potential na pwedeng mapabilang sa mga big stars ng Kapamilya Network.

Isinama na nga siya sa top rater noon na “Pamilya Sagrado” na tumagal sa ere at ginampanan ni Beaver ang character ni Ethan Lim. At isa sa nami-miss niyang co-actors sa said TV series ay si River Joseph na pinag-uusapan sa social media dahil sa PBB Collab.

Biniro ko nga si Beaver dapat isinali siya sa batch nila River at marami sa housemates ay mula sa mayamang pamilya. Napangiti si Beaver sa akin na lalong nagpatingkad ng kanyang kaguwapuhan.

Ang biggest goal pala ni Beaver ay makagawa siya ng musical play at makapag-record ng song. Well, bahala na diyan ang Star Magic na mahusay mag-alaga sa kanilang mga contract stars. May upcoming big project pala sa ABS-CBN si Beaver, pero secret daw muna at bawal pang pag-usapan.

Ang importante ay paangat ang career ng young-actor na kinakiligan ang loveteam with Mutya Orquia sa 2024 Philippine Romantic Film na When Magic Hurts na dinirek ni Gabby Ramos. But now ay solo star na muna si Beaver.

By the way, Beaver is very lucky at napaka-supportive ng mother nitong si Filipina Magtalas sa kanya. At namana ni Beaver ang pagiging good samaritan ng kanyang mommy at daddy. Yes, noong kasagsagan ng pandemic thru social media ay maraming natulungan ang actor.