Advertisers
Nasawi ang apat na paslit, kabilang ang pitong taong gulang na Kamba l na babae, at pitong indibidwal ang sugatan nang malapnos ang mga balat sa pagsabog ng isang iligal na pagawaan ng paputok sa Brgy. Marulas, Valenzuela City nitong Miyerkoles.
Sinabi ni Valenzuela City Police Chief P/Col. Joseph Talento na naganap ang pagsabog 11:33 ng umaga mula sa isang pribadong tirahan sa No. 173 Pieces St., Brgy. Marulas ng nasabing lungsod.
Dalawang pitong taong gulang na kambal na babae ang nasawi, habang pito pang iba, kabilang ang isang limang taong gulang na batang lalaki na nakatira malapit sa lugar, ang iniulat na sugatan.
Nabatid na kabilang din sa mga nasugatan ang may-ari umano ng pagawaan ng paputok na nakilala sa alyas na “Rodjay.”
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nag-ugat ang pagsabog mula sa isang nakatambak na pyrotechnic powder, pangunahing sangkap sa paggawa ng mga lusis, kwitis, fountain at iba pa.
Posibleng na-trigger umano ang pagsabog dahil sa friction na naging sanhi ng spark at lumikha ng apoy hanggang sa sumabog.
Alas-11:48 ng umaga nang maapula ang apoy ng mga miyembro ng Bureau of Fire Protection, kung saan apektado ang apat na pamilya.
Samantala, patuloy pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon sa pulisya upang tiyakin ang eksaktong bilang ng mga paputok na nakaimbak sa lugar.
Nakikipagtulungan din ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela sa pulisya upang tiyakin na pananagutin ang may-ari ng bahay na pinagmulan ng pagsabog, lalo na’t may mga regulasyon sa lungsod na nagbabawal sa paggawa at pagbebenta ng paputok at hindi nagbibigay ng permiso para sa ganitong uri ng hanapbuhay. (Beth Samson)