Advertisers

Advertisers

NBI nagsampa ng kaso vs Alice Guo, pamilya

0 10

Advertisers

NAGSAMPA na ng mga kaso ang National Bureau of Investigation-Bulacan South District Office (NBI-BUSDO) laban kay dismissed Bamban Mayor Alice Leal Guo (Guo Hua Ping) at sa kanyang pamilya kaugnay ng pagtatayo ng negosyo at pagbili ng ari-arian sa Marilao, Bulacan.

Lumabas sa imbestigasyon ni Guo at mga kapamilya niya ang mga pangunahing incorporators ng ilang kumpanya tulad ng QJJ Group of Companies Inc., QSeed Genetics Inc., QJJ Meat Shop Inc., QJJ Slaughter House Inc., QJJ Smelting Plant Inc., at QJJ Embroidery Center Inc.

Ang lahat ng kumpanya ay nakarehistro sa parehong address sa Maligaya Street, Barangay Patubig, Marilao, kungsaan co-incorporators din sina Guo Jian Zhong at Lin Wen Yi.



Batay sa mga dokumento, si Alice Guo ang bumili ng 4,636 metro kuwadradong property sa halagang P2 mil-yon noong 2010.

Natuklasan din na si Guo at mga kapatid niyang sina Mier Zhang o Shiela Leal Guo at Siemen Guo ay nagdeklara bilang Filipino citizens sa Articles of Incorporation, kahit sila ay Chinese nationals.



Dahil dito, sinampahan sina Alice Guo, Shiela Leal Guo, Siemen Guo, at Lin Wen Yi ng 4 counts ng ‘falsification of public documents’ para sa business at building permits; 30 counts ng falsification of public documents kaugnay ng Articles of Incorporation at corporate documents; at 30 counts ng simulation of minimum capital stock sa ilalim ng Anti-Dummy Law.

At dagdag na 6 counts ng falsification of public documents laban kay Alice Guo kaugnay ng Deed of Sale at property documents.



Pinuri ni Santiago ang masusing imbestigasyon ng mga ahente na nagbunsod ng karagdagang kaso laban kay Guo at kanyang pamilya.(Jocelyn Domenden)