Advertisers

Advertisers

DOJ: PAG-ARESTO SA MGA SANGKOT SA FLOOD CONTROL PROJECTS ANOMALY AABUTIN HANGGANG 2026

0 20

Advertisers

TAHASANG inamin ni Department of Justice (DOJ) Sec. Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla na hindi agaran matatapos ang imbestigasyon ukol sa flood control projects anomaly.

Ayon kay Sec. Remulla, mahabang proseso ang pagdadaanan pa nito sa sinimulang ‘case buildup’ laban sa mga sangkot sa isyu ng korapsyon.

Posible aniyang abutin ng nasa 120-araw bago tuluyang makapagsampa na ng pormal na kaso kontra sa mga indibidwal matutukoy na may kinalaman sa maanomalyang infrastructure projects.



Giit ng kalihim, maswerte na umano na maisilbi o makakuha ng ‘warrant of arrest’ laban sa mga respondents sa darating na Pasko sakaling mapadali ang proseso.

Kanyang ipinaliwanag na ito’y dahil sa nagpapatuloy pang ‘case-buildup’ na dadaan pa sa mga preliminary investigation bago maihain ang kaukulang kaso sa korte.



Sa kasalukuyan, mayroong higit 200-katao ang iniimbestigahan na ng DOJ ang umano’y sangkot sa flood control projects anomaly.

Ayon sa kalihim, 67 dito ay mga ‘cong-tractors’ o mga kontratistang kalauna’y naging kongresista at miyembro sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">