Advertisers
Marami ang naintriga sa blind item ni Xian Gaza tungkol sa umano’y “bilyonaryong celebrity couple” na naghiwalay. Kahit hindi pinangalanan, mabilis na iniuugnay ng netizens kina Ellen Adarna at Derek Ramsay ang isyu.
Pero ‘di nagpahuli ang mag-asawa. Unang bumuwelta si Ellen, diretsahang tinawag na mali at exaggerated ang mga pasabog ni Gaza. Aniya, hindi bilyonaryo ang asawa niya at huwag daw ismolin ang dating partner na si John Lloyd Cruz. Dagdag pa niya, “Kung maki-marites na rin lang, at least get everything right.”
Diin naman ni Derek: “There’s no truth to anything that was said.”
Matagal nang naiintriga ang pagsasama ng dalawa mula sa postpartum posts ni Ellen hanggang sa isyu ng “unfollow” sa Instagram. Giit nina Ellen at Derek, huwag silang idawit sa fake news.