Advertisers
ARESTADO sa pinaigting na manhunt operation ang dalawang lalaki na kapwa wanted sa magka-ibang kaso, sa bayan ng Norzagaray, Bulacan.
Sa report na tinanggap, ni PNP Provincial Director PCol.Angel Garcillano, kinilala ang unang suspek na si alyas Reymart, 33-anyos, ng Brgy. Tigbe.
Ganap na 8:45 ng gabi nang arestuhin sa East Avenue Medical Center, Diliman, Quezon City, top 10 most wanted sa bisa ng warrant of arrest para sa Statutory Rape (4 counts) sa ilalim ng Criminal Case Nos. 3571-M-2025 hanggang 3574-M-2025 na inilabas ni Hon. Jonathan Patrick Ayon-Ayon-De Ala, Presiding Judge ng RTC Branch 18, Malolos City.
Habang nadakip rin ang Top 11 Most Wanted Person (Municipal Level) na si alyas Ramon, 32-anyos ng Brgy. Bitungol, 10:40 ng gabi via warrant of arrest sa kasong paglabag sa Sec. 3 ng R.A. 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2016) sa ilalim ng Criminal Case No. 5677-M-2025 na inilabas ni Hon. Francisco Padilla Felizmenio, Presiding Judge ng RTC Branch 19, Malolos City.
Samantala, detenido ngayon ang mga suspek sa Norzagaray Municipal Jail kung saan walang piyansang inirekuminda ang korte para sa kanilang kalayaan.(Thony D. Arcenal)