Advertisers

Advertisers

2 nag-resign na Palace execs nakinabang sa kickback

0 19

Advertisers

IBINUNYAG ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na dalawang undersecretaries ng gobyerno na umano’y nagpakilalang kumatawan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para makakuha ng kickbacks na hindi bababa sa P52 bilyon mula sa umano’y mga fund insertions sa 2025 national budget.

Sa kanyang interpelasyon sa Senado habang tinatalakay ang proposed budget para sa 2026, sinabi ni Lacson na sina Department of Education (DepEd) Undersecretary Trygve Olaivar at Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) Undersecretary Adrian Bersamin ang umano’y kumilos na tila sindikato upang makapagpasok ng hanggang P100 bilyon sa badyet, kung saan umano nila kinukuha ang kickbacks.

Nabatid na kapwa nagbitiw sa kanilang tungkulin sina Olaivar at Bersamin, kasunod ng pagbibitiw nina Executive Secretary Lucas Bersamin at Budget Secretary Amenah Pangandaman.



Diin ni Lacson na galing mismo kay dating Public Works Undersecretary Roberto Bernardo, ang impormasyon kung saan ang dating opisyal ang personal na humawak ng P52 bilyong kickback mula sa P100 bilyon na isiningit sa budget.

Ayon kay Lacson, mula sa naturang halaga, P81 bilyon ang ipinasok bilang mga funding items sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH), habang ang natitirang P19 bilyon ay para sa ibang ahensya.



Aniya, ginamit nina Olaivar at Bersamin ang pangalan ng Pangulo upang ituloy ang insertion at pamunuan ang mga financial transactions.

Sinabi ni Lacson na tinawagan agad siya ni Bernardo matapos mapanood ang ikatlong video statement ni dating Ako Bicol party-list Representative Zaldy Co, kung saan iginiit niya na personal niyang nai-deliver ang kita mula sa P100 bilyon na fund insertions kay Pangulong Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.



“Ang statement na ginawa ni ex-Congressman Zaldy Co na nagbintang siya na P100 billion sinasabi niya na utos daw ng Pangulo na isingit sa bicam. And I agree na totoo ang listahan ng P100 billion. Talagang isiningit sa bicam,” diin niya.

“But yung sinasabi ni Zaldy Co sa social media as posted na nag-deliver siya ng P25 billion representing the 25% commission di umano para kay Presidente, that, I will attest na hindi totoo,” wika ng senador.

Dagdag ni Lacson na ibinigay ni Bernardo ang mga detalye kung paano umano nakipagsabwatan sina Olaivar at Bersamin, mga insider ng Malacañang, sa kickback scheme, na diumano’y ginawa nang hindi alam ng Pangulo.
“Napag-alaman ko from Undersecretary Bernardo na may mga tao sa Malacañang, not the President, not authorized by the President, who misrepresented him. I will name some of them,” pahayag ni Lacson patungkol kina Olaivar at Adrian Bersamin.

“Sabi niya ang pag-alam niya kasama si Usec Adrian Bersamin. P8B in at least 10 deliveries. The modus, yung arrangement nila is titigil sila sa isang armored van,” ani Lacson.

Ayon sa ulat, naganap ang paghahatid ng pera mula Marso hanggang Abril 2024, kung saan ginamit ang mga armored van na may dalang pagitan ng P800 milyon at P2 bilyon kada pagkakataon, at naganap ang mga palitan sa parking lot ng Diamond Hotel sa Maynila.

Ang pinakamalaking paghahatid aniya ay nangyari bandang Marso 11, kung saan humiling umano si Olaivar na ipagpaliban ang pickup dahil sa umiiral na tensyong politikal kaugnay ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Base pa aniya sa pahayag ni Bernardo, sinabj ni Lacson na ang napagkasunduang bahagi ng kickback ay unang itinakda sa 15%, ngunit itinaas sa 16% nang humiling umano si Olaivar ng karagdagang 1% para sa kanyang sarili. (Mylene Alfonso)