Advertisers

Advertisers

Eroplano at helicopter ni Co pinahahanap ni PBBM sa Singapore, Malaysia

0 10

Advertisers

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Transportation (DOTr) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na makipag-ugnayan sa Malaysia at Singapore upang matunton ang mga helicopter at eroplano na umano’y itinago ni dating Cong. Zaldy Co.

Ayon sa Pangulo, ang mga aircraft ay nakarehistro sa Misibis Aviation and Development Corporation, na pag-aari ni Co.

Binigyang-diin ng Pangulo na may umiiral nang freeze order mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) dahilan upang pagbawalan ang anumang paggalaw o disposisyon sa mga nabanggit na aircraft.

Ani Marcos, hindi maaaring gamitin ng mga pugante ang ari-arian mula sa kaban ng bayan para takasan ang pananagutan.

Samantala, pinaalalahanan ni PBBM ang mga tumatakas sa batas na hindi sila maaaring umasa na maililigtas sila ng kanilang yaman o pribadong jet.

Kaya hinimok niya ang mga wanted na indibidwal na umuwi na sa bansa at harapin ang mga kaso. (Gilbert Perdez)