Advertisers

Advertisers

Happy happy birthday Mama Mary, ipagdasal mo ang aming bansa

0 66

Advertisers

Isang Maligayang Kaarawan sa iyo Mama Mary ngayong araw ng lunes Disyembre 8, 2025.

Samut-dalangin po sa inyo ng sambayanang Pilipino na patuloy mong ipag-dasal ang AMING bansang Pilipinas.

Bilang Ina ng aming Panginoong Hesus, kami ay naniniwalang hindi ka niya matatanggihan sa inyong pakiusap at dalangin.

Alam niyo namang ang aming bansa ay nasa gitna ng banta, panganib at delubyo sanhi ng mga natural na kalamidad tulad ng bagyo, lindol at kung anu-ano pa.

Maliban dito, ang aming bansa ay dumadaan sa matinding krisis bunga ng malawakang corruption gawa ng ilang tao na naging ganid at gahaman sa salapi.

Di kaila sa inyo, ang pinag-uusapan dito ay di lang karaniwang corruption dahil ang perang NINAKAW dito sa kaban ng bayan ay TRILYONG PISO.

Itong perang ito ay naka-laan sana para sa Flood Control Project ng gobyerno upang malutas man lang kahit konti ang PATULOY na pag-baha sa malaking bahagi ng Pinas.

Ang problemang ito ay ilan dekada ng pinag-uusapan at maraming beses na ring pinag-ukulan ng pondo ngunit hanggang sa ngayon ay walang pinag-bago bagkus ay lalo pang naging masahol, bakit KAMO?

Ito ay dahil sa ang bilyon-bilyong pisong pondo para dito ay binulsa lang ng ilang tao para sa sarili nilang interes at di para sa kapakanan ng marami nilang kababayan.

Mantakin mong sa papeles lang pala nakasaad ang mga proyektong ito na pawang mga Ghost project lang Pala na ang tanging kailangan upang makalusot ay PIRMA lang ng Isang mataas na opisyal ng bansa.

Biruin niyong lumalabas sa papeles na ang mga proyektong ito ay tapos na at COMPLETED ngunit ang katotohanan lang ay walang ginawa kahit kapiraso.

May ginawa mang project, ito ay masyadong tinipid dahil sa ang mga ginamit na materials ay MGA sub-standard materials kung kaya’t ang mga ito ay hindi tumatagal at bumibigay din.

Ang mga taong nasa likod nito ay walang habag at konsensiya dahil di nila alintana ang kalagayan ng kanilang kapuwa Pilipino na hanggang sa kasalukuyan ay nakababad ang mga paa sa baha, giniginaw at dinadapuan ng kung anu-anong karamdaman.

Ang mga MANDARAMBONG na nasa likod nito ay walang iba kundi ang mga matataas na opisyal pa ng bansa tulad ng mga Congressman at ilang Senador na ating hinalalbat please nagkatiwalaan.

Imbis na pagserbisyuhan, protektahan at pagsilbihan tayo, ninakawan pa Tayo hindi lang ng ating pera kundi pati na rin ng ating karapatan.

Sa puntong ito, wala na tayong ibang lalapitan pa kundi ang ating Mahal Na Ina upang idalangin sa kanya na huwag lang sa mga natural na kalamidad niya Tayo proteksiyunan kundi pati na rin sa mga politikong ito na pawang mga ganid at pangsarili.

Kung tutuusin ay mas grabe pa sa mga bagyo at lindol ang dulot NG MGA ito dahil sa ang mga perwisyong ginawa nila ay habang-buhay nating magiging pag-durusa at sakripisyo.

Sa tindi ng galit sa inyo ng milyon-milyong Pilipino, hindi lang kayo tinu-turing na kalamidad kundi Isang SALOT na parang ANAY na sumi-sira ng bansa.

Ganon pa man ay ipag-darasal ka pa rin namin at baka- sakaling mag-bago pa kayo tutal ay may rekurso pa at iyan ay Isang MILAGRO he… he… he…

Sa muli, Isang MALIGAYANG KAARAWAN SAYO BLESSED VIRGIN MARY… PATULOY MO SANANG HILUMIN AT IPAGDASAL ANG AMING BANSANG PILIPINAS!!!!