Advertisers
HINIMOK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Kongreso na bigyang-prayoridad ang apat na mahahalaga o priority bills ng pamahalaan.
Kabilang dito ang Anti-Dynasty Bill, Independent People’s Commission Act, Party-list System Reform Act, at ang CADENA Act na naglalayong palakasin ang transparency at accountability sa public funds.
Sa isinagawang LEDAC meeting, hinikayat ni PBBM ang parehong kapulungan ng Kongreso na pag-aralan nang mas malalim ang mga nasabing bills at ipasa ang mga ito sa lalong madaling panahon.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, dumalo sa pulong sina Senate President Vicente Sotto III, House Speaker Faustino Dy III, Majority Leader Sandro Marcos, at iba pang pinuno ng Kongreso upang talakayin ang legislative priorities ng administrasyong Marcos.
Pahayag ni Castro, nagkasundo rin ang LEDAC sa mga itinakdang timeline para sa pagpasa ng General Appropriations Bill.
Samantala, target din ng konseho ang maagap na pagsusumite ng enrolled bills upang malagdaan ito ng Pangulo at maging ganap na batas. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)