Advertisers

Advertisers

INNERVOICES NANALO BILANG BEST GROUP PERFORMERS SA ALIW AWARDS; ANDREW E BEST MALE RAP ARTIST

0 13

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

Hindi kami pumayag na hindi makarating sa The Manila Hotel sa Maynila para saksihan ang pag-akyat sa entablado at pagtanggap ng InnerVoices ng award nila bilang Best Group Performer in Hotels, Music Lounges, and Bars sa 38th Aliw Awards.

Pero tulad ng sitwasyon kada taon tuwing Disyembre at panahon ng Kapaskuhan, terrible ang sitwasyon ng trapiko kahit saang sulok ng Kamaynilaan.

Kaya naman late na kami ng kapwa namin manunulat na si Eric Borromeo na nakarating sa Fiesta Pavilion ng The Manila Hotel, tinawag na at nakasampa na onstage si Joseph Cruz to accept the award on behalf of the InnerVoices.

And yes, dahil nga sa mala-parking lot na katrapikan kahit saan, late rin sina Atty. Rey Bergado, the groups leader/keyboardist/vocalist and the rest of the boys of InnerVoices (Patrick Marcelino, Rene Tecson, Alvin Herbon at Jojo Esparrago) at hindi na umabot noong tawagin ang grupo nila bilang mga nagsipagwagi.

Anyways, okay rin naman, hindi naapektuhan ng trapiko ang mood ng lahat, after ma-announce ang award nila ay bonggang pictorial ang naganap with the InnerVoices euphoric and ecstatic sa kanilang panalo.

Early Christmas gift nga ito, dagdag-inspirasyon para mas lalo pa nilang husayan (as if naman hindi pa sila sobrang husay) ang kanilang live performances regularly sa 19 East sa Alabang, sa Noctos Music Bar sa Scout Tuason sa QC, sa Aromata Restaurant sa Dr. Lazcano sa QC pa rin at sa Hard Rock Cafe Manila (sa Conrad Hotel) and Makati (sa Glorietta in Ayala).

Bongga at star-studded ang Aliw Awards dahil ang iba pa nilang awardees (present and absent that night) ay the likes of Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Martin Nievera, Pops Fernandez, Lani Misalucha, Zsa Zsa Padilla, Gary Valenciano, Jed Madela, Dulce, Jackielou Blanco, our favorite Arman Ferrer na talent ng mahal naming si Noel Ferrer, Jona, at ang King of Rap na si Andrew E. na win bilang Best Male Rap Artist of the Year sa ikalawang magkasunod na taon, at marami pang iba.

Napakasaya nga ng tsikahan, piktyuran at bonding ng InnerVoices at Andrew matapos silang gawaran ng kani-kanilang award.

Congratulations to all the winners!