Advertisers

Advertisers

Charlie Dizon noon pa ramdam na para sa kanya si Carlo Aquino

0 4

Advertisers

Ni Anne Venancio

Aminado si Charlie Dizon na bago pa man lumalim ang relasyon nila ni Carlo Aquino, may kutob na siyang si Carlo na ang lalaking makakasama niya sa buhay.

Sa isang panayam sa “Oh My Gan!”, ikinuwento ni Charlie na kahit may mga pagsubok sa kanilang relasyon, buo na ang paniniwala niyang magtatagal sila. Malaking bagay din para sa kanya ang pagiging maalaga, supportive at responsable ni Carlo.

Mas naging espesyal ang kanilang relasyon nang makilala ni Carlo ang pamilya ni Charlie sa Estados Unidos. Personal pa umano itong bumyahe mula San Francisco patungong Sacramento para makausap ang pamilya at humingi ng basbas bago mag-propose.

Pagdating sa proposal, napaisip pa si Charlie kung alam ba ito ng kanyang mga magulang. Nang makumpirmang informed ang mga ito, agad siyang nagsabi ng “yes.”

Sa ngayon, isang malaking pangarap naman ang kanilang tinutupad—ang pagpapatayo ng sariling bahay. Bukod dito, kasama rin sa kanilang plano ang pagkakaroon ng mga anak. Umaasa si Charlie na magkaroon sila ng dalawa o tatlong anak, pero para sa kanya, nasa tamang timing pa rin ang lahat.

Kahit maging ina, gusto niyang ipagpatuloy ang showbiz career at balansehin ang trabaho at pamilya.