Advertisers
Ni Anne Venancio
Nagbigay ng makahulugang pahayag si Heart Evangelista tungkol sa pagkakaibigan at pagtitiwala nang mapag-usapan ang pagharap sa personal na problema sa GMA game show na “The People Have Spoken” noong Sabado, Agosto 22.
Sa isang round, tinanong ang mga celebrity kung mas gusto nilang agad ibahagi ang kanilang problema o sarilinin muna ito.
Para kay Heart, mahalagang maging maingat sa pagpili ng taong pagbubuksan ng personal na pinagdaraanan.
Ibinahagi ng aktres na dati niyang nakasanayang itago ang kanyang emosyon. Gayunman, nagkaroon siya ng karanasan kung saan nag-open up siya sa mga taong hindi niya dapat pinagkatiwalaan.
Dahil dito, sinabi niyang mas mainam na ibahagi ang mabibigat na problema sa pamilya, therapist o mga taong tunay na mapagkakatiwalaan.
“I think it’s very important that you speak to the right people. It’s either your mom, a therapist, or people that’s like blood-connected,” ani Heart.
Dagdag pa niya, “Sometimes friends aren’t really what you think they are.”
Sa kabila ng kanyang seryosong pahayag, nagbigay naman siya ng good vibes nang biruin ang kanyang co-host na si Sean Lucas at gawing exception sa kanyang komento.