Advertisers

Advertisers

KATHRYN BERNARDO PINAG-IINGAT NG PSYCHIC SA NUMBER 17

0 25

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

AYON sa isang psychic, this year daw ay magiging lapitin ng aksidente si Kathryn Bernardo.

Sabi ng psychic,“Si Ms. Kathryn Bernardo, hindi ko alam kung anong klaseng energy meron ka na para bang hinahabol ka talaga ng accident. This is not about health issue, it’s about accident, so, try lang muna i-avoid ‘yung number 17 kasi lumalabas talaga.”

Patuloy niya,”‘Yun ‘yung bad luck number 17, puwedeng araw, puwedeng plate number, puwedeng flight number. Lumalabas talaga si Ms. Kathryn at ‘yung (number) 1 and 7. Iwasan niya muna ang plate number, date ng shoot, airlines. Basta iwasan niya ang number 17 yan ang nakikita ko sa vision ko at accident ‘yun. Avoid din muna siya sa black (color).”

Tungkol naman sa lovelife ng aktres, “Kahit magpakasal pa si Kathryn ang ending pa rin kasi sila pa rin,” tumawang sabi ng psychic na ayaw niyang banggitin kung sino dahil may kanya-kanya na raw silang partner at ayaw daw niyang magalit sa kanya ang mga faney ng dalawa.

So, parang pinalalabaas ng psychic na kapag naikasal si Kathryn sa ibang lalaki at hindi kaya Daniel Padilla, ay makikipaghiwalay din siya. At obvious naman na si Daniel ang tinutukoy ng psychic na magiging ending ni Kathryn.

Well, abangan na lang natin kung magkakatotoo ang hula kay Kathryn.

***

MUKHANG magkakaayos na sina Ogie Diaz at ang dati niyang talent na si Liza Soberano, huh!

Sa latest episode kasi ng vlog ni Ogie na Showbiz Update, ikinwento niya na sumagot si Liza sa kanya, nang batiin niya ito ng happy birthday sa pamamagitan ng kanyang Facebook page.

“Happy bday, Liza Soberano! Sana ma-achieve mo ang dream mo to make it big in Hollywood!

“Sana ay mapaligiran ka din ng mga tamang tao para mas mabilis mo siyang ma-achieve! Love you, Hopie!” mensahe ni Ogie.

At nito ngang Martes, ibinahagi ni Ogie na sumagot sa kanyang pagbati si Liza.

“Alam mo, nag-message siya sa akin. Sumagot. Sabi niya, ‘Thank you, Tito Ogie. I hope you and the family are doing well.’

“Thank you, Liza,” lahad ni Ogie.

Ito marahil ang palatandaan na kung anuman ang isyu sa pagitan ng dalawa noon ay ok na ngayong bagong taon.

“Ang tatanda na namin. Kumbaga, magtatanim ka ba ng sama ng loob? Once upon a time, naging anak mo ‘yan. Nabigyan ka rin naman ng magandang career because of Liza,” sey ni Ogie.

Dagdag pa niya, “Lagi ko rin namang sinasabi if not for Liza, Diyos ko, ‘yong aking anak na si Miracle, sa’n ko huhugutin ‘yong mga panggastos sa ospital, ‘di ba?”

Matatandaang inamin ni Liza sa isang panayam kay Boy Abunda noong Marso 2023 na may tampo siya kay Ogie.