Advertisers
Matagumpay na napigilan ng Valenzuela Police ang tangkang pagpapatiwakal ng isang lalaki sa loob ng kuwartel ng mga empleyado ng isang gusaling ginagawa pa na Parada Elementary School, sa Barangay Parada, Lungsod ng Valenzuela nitong Martes.
Kinilala bilang alias “Jem,” 48-anyos, karpintero/manggagawa sa konstruksyon at residente ng Ozamis Occidental.
Humingi ng agarang tulong ang isang inhinyero mula sa lugar ng konstruksyon sa mga tauhan ng Sub-station-1 (SS-1) nang matuklasan na sinusubukang magpakamatay ng isa sa kanilang mga manggagawa gamit ang kutsilyo.
Rumesponde kaagad ang mga tauhan mula sa SS-1, kasama ang Special Reaction Unit (SRU) ng VCPS, kasama si PCOL Joseph G. Talento, Chief of Police, sa pinangyarihan.
Pagdating, kalmadong nakipag-usap ang mga pulis na tumugon, kasama si PCOL Talento.
Sa simula, tumanggi si Jem na sundin ang mga panawagan ng mga awtoridad ngunit nagtagumpay din sa huli ang tuluy-tuloy na diyalogo at maayos na negosasyon.
Dinala si Jem sa Valenzuela City Social Welfare and Development (CSWD) Office para sa tamang pagpapayo at interbensyon, na tinitiyak ang kanyang kaligtasan at kapakanan.
Sa ilalim ng pagsubaybay at suporta ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang matagumpay na pagsagip para sa pagpapanatili ng public safety at rescue efforts para sa lungsod.(Beth Samson)