Advertisers
INARESTO ng Quezon City Police District (QCPD) si Police Senior Master Sergeant (PSMS) John Mollenido, ang mister ni PSMS Diane Marie Mollenido at ama ng kaniang 8-anyos na anak, John Ysmael, na kapwa natagpuang bangkay sa magkahiwalay na lugar sa Bulacan at Tarlac.
Ayon sa QCPD, si Mollenido ay pangunahing sa brutal na pagpatay ng kanyang asawa at anak.
Inaresto si Mollenido matapos siyang ituro ng car agent na si Pia Katrina Panganiban na siyang nag-utos na patayin ang kanyang mag-ina.
Si Mollenido ay nakatadang isailalim sa inquest proceedings kasama ang tatlo pang unang naarestong suspek na sina Pia Katrina at kanyang mister Christian Suarez Panganiban, dating pulis; at kanilang kasama na si Gil Valdemoro Dy Jr., driver.
Noong Biyernes, ang tatlong suspek ay naaresto sa Barangay San Agustin, Novaliches, at Barangay San Bartolome, Quezon City.
Sa pag-aresto, ang pulisya ay nagsagawa ng on-site inventory sa mga nakuhang ebidensiya, kabilang ang identification cards ng mga suspek, P100,000 cash, at ilang mobile phones na pag-aari ng mga ito.
Kinumpirma ng mga awtoridad na ang mobile phones ng dalawang biktima ay narekober nila.
Samantalang ang sasakyan na ginamit ng mga biktima ay ibinenta sa buy-and-sell agent sa haagang P450,000.
Ang bangkay mag-ina ay natagpuan sa magkahiwalay na lugar.
Noong Enero 24, ang katawan ni PSMS Diane Marie Mollenido ay natagpuan sa Pulilan Bypass Road, Barangay Dulong Malabon, Pulilan, Bulacan. Ang kanyang katawan ay nakabalot ng itim na garbage bag, at may tama bala ng baril sa ulo.
Pagkaraan ng limang araw, ang nabubulok nang katawan ng kanyang anak ay nakita sa calamansi farm sa Victoria, Tarlac na nakabalot plastic tape. Namatay ito sa suffocation.
Samantala, ayon kay Atty. Cristobal Rimando, abogado ni John Mollenido na hindi inaresto ng mgalr operatiba ang kanyang kliyente dahil wala pa naman warrant of arrest laban sa kliyente.
“Our client voluntarily submitted himself and fully cooperated with the authorities in good faith. His appearance was an exercise of transparency and respect for due process and must not be misconstrued as an arrest”, pahayag pa ng abogado.
(Almar Danguilan)