Advertisers

Advertisers

Estudyante huli sa droga at bala

0 20

Advertisers

Naaresto ang isang estudyante nang makumpiskahan ng ilegal na droga at mga bala sa isinagawang search warrant operation sa bayan ng Aparri, Cagayan noong Pebrero 6, 2026.
Sa bisa ng dalawang Search Warrant kaugnay ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, matagumpay na naipatupad ng PNP Aparri ang operasyon laban sa suspek na positibong kinilala bilang target.
Sa isinagawang paghahalughog sa tirahan ng suspek, nakumpiska ang ilang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng substansyang pinaniniwalaang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang limang gramo, isang weighing scale, at iba pang kagamitang may kaugnayan sa ilegal na droga.
Narekober din ang isang sling bag, mga lighter, isang magazine ng baril na caliber 9mm, limang piraso ng bala ng caliber 9mm, at isang piraso ng bala ng caliber 7.62mm.
Isinagawa ang pagmamarka, imbentaryo, at dokumentasyon ng mga nasamsam na ebidensya sa mismong lugar ng operasyon sa presensya ng suspek, dalawang halal na opisyal ng barangay, at isang kinatawan ng National Prosecution Service, alinsunod sa itinakdang legal na proseso.
Ang naarestong suspek at ang lahat ng nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Aparri Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at paghahain ng mga kaukulang kaso.(Fidel Coloma)