Advertisers

Advertisers

DALAWANG PASLIT, BRUTAL NA PINATAY SA SEMENTERYO SA RIZAL

0 319

Advertisers

Kapwa brutal na pinatay ang isang 12-anyos na lalaki at 13-anyos na babae na natagpuan lumang sementeryo sa Sitio Namay, Brgy., San Juan bayan ng Morong lalawigan ng Rizal.

Sa ulat ni P/Maj. Elmer Bonifacio hepe ng pulisya kay P/ Col. Atty. Eleazar Barber Jr., kinilala ang mga pinaslang na sina Russel Ignacio 12-anyos at Rhea Jane Tayaban, 13-anyos isang babae kapwa nakatira sa nabanggit na bayan.

Ayon sa ulat ni Pat. Mabuhay Quimioz dakong 5;00 ng hapon ng makatanggap sila ng ulat na 2 bangkay ng batang lalaki at babae na kapwa ng mga tama ng saksak sa katawan.

Una umanong nakitang buhay ang mga biktima sa isang computer shop sa Sitio Sagbat at hindi umano ito mga nakauwi ng bahay.

Dahil dito, hiningi ng mga magulang ng dalawang biktima ang presensya ng Morong PNP.

Inaalam na ng awtoridad sa pamamagitan ng Scene of the Crime Operative (SOCO) ang mga suspek at ang motibo ng pagpatay.

Dagdag naman ni Police Major Bonifacio may hawak na silang suspek ngunit nakiusap na pansamantalang di inilalantad ang pangalan dahil sa umuusad na imbestigasyon sa brutal na pagpatay. (Edwin Moreno)