Advertisers

Advertisers

3 tsekwa huli sa P70m Kush

0 7

Advertisers

ARESTADO ang tatlong Chinese nationals nang mahulihan ng halos P70 milyong halaga ng Kush o high-grade marijuana sa Clark International Airport umaga ng Sabado, March 7.
Sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency Region-3 (PDEA-III), kinila ang mga nahuli na sina alyas “Ang See”, 39 anyos; alyas Kim Tan, 27; at alyas Li Cheng, 30.
Sa datus ng Bureau of Customs (BOC) Port of Clark, nadiskubre ang tinatayang 46,533.3 gramo ng Kush na tinayaang aabot sa halagang P69,799,950.
Nabatid na 8:03 ng umaga nang matukoy ang ilegal na droga habang sumasailalim sa routine inspection procedure ang kanilang mga bagahe.
Nakita mula sa tatlong maleta ng mga nadakip ang 99 transparent vacuum-sealed plastic packs na naglalaman ng tuyong dahon at fruiting tops na pinaniniwalaang high-grade marijuana.
Sa report, transit passengers ang mga Chinese mula Bangkok, Thailand patungong Hong Kong na dumaan sa Clark.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEA-III ang mga naarestong dayuhan para sa karagdagang imbestigasyon. (Thony D. Arcenal)