Advertisers

Advertisers

Along todo aksyon sa Caloocan: PWD, estudyante, at atleta suportado

0 2

Advertisers

Pinangunahan ni Caloocan Mayor Along Malapitan ang oath-taking ng mga opisyales ng Gandang PWD ng Barangay 174 at iba’t-ibang Homeowners Association (HOA).
Kasabay nito, pinakinggan at binigyan ng solusyon ng Pamahalaang Lungsod ang mga suliraning kinahaharap nila sa kanilang mga komunidad.
Kinilala at binigyan ng insentibo si Darren Nichole Ocampo ng Barangay 132, na Top 9 sa Medical Technologist Licensure Examination at binati si Jaime Manginga na nag-uwi ng karangalan sa ating lungsod sa ginanap na 13th ASEAN Para Games sa Thailand.
Kasunod nito, binigyan ng LGU ng tulong pinansyal ang mga atleta at coach ng Caloocan Karate Athletes na lalaban sa Karate One Youth League 2026 na gaganapin sa ating bansa.
Gayundin, nakipag-ugnayan si Mayor Along sa mga opisyales ng Heart of Jesus and Mary Parish para sa kanilang mga gagawing aktibidad sa nalalapit na Fiesta, at sa samahan ng Worldwide Energy Alliance of International Movers for Overall Filipino Welfare Inc., upang alamin kung ano ang maitutulong natin sa kanilang grupo.
Bukod dito, inilatag rin ng Federated Parent-Teacher Association ang kanilang mga inihandang event at aktibidad sa bawat eskwelahan na kanilang kinabibilangan kay Mayor Along.
“Bilang Ama ng Lungsod, patuloy po tayong makikipag-ugnayan at magiging bukas sa mga pagtutulungan para sa bawat komunidad at kapakanan ng mga Batang Kankaloo,” wika ni Mayor Malapitan.(BR)