Advertisers

Advertisers

11 pulis sa ‘missing sabungeros’ sinibak na sa serbisyo

0 9

Advertisers

INIUTOS ng National Police Commission (Napolcom) ang pagtanggal sa serbisyo ng 11 pulis dahil sa pagkakasangkot sa mga kaso ng pagdukot noong 2021 na may posibleng kaugnayan sa nawawalang mga sabungero.
Ayon sa Napolcom nitong Biyernes, ang mga sangkot na pulis ay mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) sa ilalim ng Regional Drug Enforcement Unit. Sila’y sina: Lieutenant Colonel Ryan Jay Orapa; Major Mark Phillip Almedilla; Senior Master Sergeant Mark Anthony Manrique; Staff Sergeant Edmon Muñoz; Staff Sergeant Robert Allan Raz Jr.; Staff Sergeant Denar Roda; Corporal Alric Natividad; Corporal Reynaldo Seno Jr.; Corporal Ronald John Lanaria; Rufino Panghulan; at Patrolman Develyn Tapalla.
Napatunayang “guilty” ang mga ito sa dalawang bilang ng ‘grave misconduct’ at dalawang bilang ng ‘conduct unbecoming of a police officer’.
Nag-ugat ang kaso mula sa reklamo nina Milagros Estacio at Elizabeth Sotto noong Setyembre 2025.
Sinabi nitong dinukot ng mga pulis ang kanilang mga anak sa magkahiwalay na anti-drug operations, na posible umanong kaugnay ng pagkawala ng mga sabungero. (Mark Obleada)