Advertisers
ARESTADO ang apat katao na sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga, at nasamsaman ang nasa P61 milyon halaga ng shabu sa joint anti-illegal drugs operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at PNP Maritime Group sa Barangay Bacao 1, General Trias City, Cavite.
Kinilala ang mga naaresto sa kanilang alyas “Asil”, 45 anyos; Almukrim, 28; “Alshamier”, 24; at “Darwhina”, 32.
Ayon sa ulat, nasamsam sa mga salarin ang 9,000 grams ng shabu na nagkalagay sa siyam na blue foiled packs at na nagkakahalaga ng P61,200,000, dalawang cellular phone, identification cards at isang kulay itim na van na ginamit umano sa transaksyon. (Koi Laura)