Advertisers

Advertisers

Janine Gutierrez natutong maglaba nang humiwalay sa pamilya

0 3

Advertisers

Ni Anne Venancio



Ibinahagi ni Janine Gutierrez ang kanyang karanasan sa “adulting phase,” kung saan mag-isa na siyang namumuhay sa kanyang condo matapos lumipat mula sa kanilang bahay.

Ayon sa aktres, mas natutunan niya ang pagiging responsable, self-awareness, at ang pagiging kumportable sa sariling espasyo.



Natuto rin siya ng mga life skills tulad ng paglalaba, pagluluto, at pag-aasikaso ng mga bayarin.

Dagdag pa niya, natutunan din niyang mas pahalagahan ang oras para sa sarili at maging mas maingat sa pagbibigay ng atensyon sa ibang tao.