Advertisers

Advertisers

Utang ng gobyerno minana ni PBBM mula sa nakaraang administrasyon — Palasyo

0 8

Advertisers

NILINAW ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na hindi lamang sa kasalukuyang administrasyon nagsimula ang malaking pagkakautang ng bansa.

Ayon kay Castro, minana umano ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang malaking utang mula sa nakaraang administrasyon.

Binanggit din niya ang mga kontrobersiya tulad ng Pharmally issue at umano’y ghost projects sa ilalim ng Build, Build, Build program.



Gayunman, sinabi ni Castro na normal lamang para sa mga bansa ang mangutang upang matustusan ang mga programang makatutulong sa mama-mayan.

Samantala, ipinagtanggol din ni Castro si Pangulong Marcos laban sa mga pahayag ni VP Sara na umano’y hindi nagtatrabaho ang Pangulo.



Ayon kay Castro, malinaw umanong nakikita ng publiko ang sunod-sunod na aktibidad at trabaho ni Marcos bago at habang ginaganap ang ASEAN Summit sa Cebu.

Binanggit niya na personal na tinutukan ng Pangulo ang sitwasyon sa Albay kaugnay ng pag-aalburoto ng Mayon Volcano.



Kasabay nito, dumalo rin umano si Marcos sa mga programang ayuda tulad ng “Bawat Barangay at Bawat Bayan Makikinabang.”

Dagdag pa ni Castro, kasalukuyang abala ang Pangulo at iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa mga aktibidad kaugnay ng ASEAN Summit.

Dagdag pa niya, ang Bise Presidente ay nasa ibang bansa umano at walang direktang naitutulong sa kasalukuyang ASEAN activities. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)