Advertisers

Advertisers

P1.9m shabu, baril nasamsam sa 2 tulak sa Isabela

0 3

Advertisers

Sa patuloy na pagpapaigting ng intelligence-driven at inter-agency operations, matagumpay na naisagawa ng pinagsanib na pwersa ng Roxas Municipal Police Station, PIU/PDEU-IPPO, RMFB2, 1st IPMFC at PDEA-RO2 Isabela Provincial Office ang pagpapatupad ng mga search warrant laban sa dalawang High Value Individual (HVI) sa Brgy. Lanting, Roxas, Isabela Linggo, Mayo 17, 2026.
Kumpirmadong kinilala ng otoridad ang mga naarestong suspek na sina alyas “Orang,” 51 taong gulang, at alyas “Porman,” 35 taong gulang, kapwa residente ng Purok 4, Brgy. Lanting, Roxas, Isabela.
Dakong alas 4:00 ng hapon nang ipatupad ng mga operatiba ang Search Warrant laban sa dalawang High Value Individual para sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Sa isinagawang operasyon, nakumpiska mula sa mga suspek ang tinatayang mahigit 279 gramo ng shabu na may kabuuang halagang umaabot sa P1,902,640.00, iba’t ibang drug paraphernalias, digital weighing scale, mga plastic sachet, at iba pang kagamitan sa paggamit at pagbebenta ng ilegal na droga.
Nasamsam din ang isang revolver na may lamang bala, iba’t-ibang uri ng live ammunitions, at habang nagsasagawa ng paghahalughog ay natagpuan din sa loob ng bahay ng mga suspek ang isang Glock 17 caliber 9mm pistol, isang Colt MK IV caliber .45 pistol, mga magazine, at karagdagang mga bala at live cartridges.
Samantala, dinala ang mga naarestong suspek sa Roxas Municipal Police Station para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso. (Fidel ColomaI)