Advertisers

Advertisers

Malakanyang itinanggi ang pahayag ni Cayetano na inatake ang Senado

0 74

Advertisers

DIREKTANG itinanggi ng Malakanyang nitong Lunes, Mayo 18, ang pahayag ni Senate President Alan Peter Cayetano na ang Senado ay “under attack” o inatake.

Ito ay kasunod ng insidente ng pamamaril sa Senado noong nakaraang linggo.

Ayon kay Palace Press Officer Undesecretary Claire Castro sa press briefing nitong Lunes, “never under attack” o kailanman ay hindi inatake ang lehislatura, salungat sa naging emosyonal na paggit ni Cayetano.



Tahasang sinabi ni Usec. Claire Castro na makikita sa mga balita at sa ulat ng NBI at PNP na walang nangyaring pag-atake sa institusyon.

Nangyari ang insidente ng pamamaril sa Senado noong Miyerkules, Mayo 13, sa gitna ng warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court laban kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng kanyang papel sa war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. (Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">