Advertisers
Ni Anne Venancio
Inamin ni Carlos Yulo na two-time gold medalist sa 2024 Paris Olympics na hindi niya nakikita ang sarili sa pag-arte sa anumang proyekto sa TV o pelikula dahil mas prayoridad niya ang kanyang karera sa gymnastics, game shows at sports-related programs.
“Kapag acting po, hindi ko po talaga ‘yun kaya. May mga pinanganak po talaga para doon,” aniya.
Dalawang beses na siyang nakasali sa “Family Feud” at nag-enjoy siya rito.
Aminado rin ito na bukas siya sa posibilidad na subukan ang hosting, partikular sa GMA News and Public Affairs. “Pwede din po ang hosting, para ma-practice din po ‘yung speaking skills ko,” aniya.
Samantala, magiging abala na ito sa mga paparating na kompetisyon gaya ng Asian Games, Asian Championships, at World Championships bilang paghahanda sa 2028 Olympics.