Advertisers
Ni Anne Venancio
Pinatulan ni Bela Padilla ang komento ng isang netizen tungkol sa kanyang pamilya at pananaw sa pulitika.
Nag-ugat ang isyu sa paliwanag ni Bela tungkol sa relasyon niya sa kanyang tiyuhin na si Sen. Robin Padilla, kung saan nilinaw niyang hindi sila ganoon kalapit sa personal na buhay kahit pareho silang nasa industriya ng showbiz.
Ayon sa aktres, wala siyang kontrol sa mga casting decisions ng proyektong kinabibilangan niya, kabilang ang pagpasok ng kanyang tiyuhin sa seryeng Blood vs. Duty. Giit niya, hiwalay ang kanilang career paths at management, kaya hindi niya ito dapat isama sa usaping produksyon.
“Get your facts straight. We work and are managed separately,” post nito sa kanyang X (dating Twitter).
Hindi rito natapos ang palitan ng komento matapos igiit ng netizen na dapat ay umalis si Bela sa proyekto bilang pagpapakita ng paninindigan laban sa mga politikal na isyu na inuugnay sa kanyang tiyuhin.
Aniya, hindi niya kailangang isakripisyo ang trabaho para lamang tugunan ang inaasahan ng iba. “Me speaking up and separating us was already my way of saying I’m not okay with things.”
May mga kontrata at responsibilidad siyang kailangang tuparin, kaya hindi ganoon kadali ang basta na lamang pag-alis sa proyekto.