Advertisers
Ni Anne Venancio
Emosyonal na inamin ni Kaye Abad na cancer-free na siya matapos ang mahigit isang taon laban sa breast cancer.
Kwento ng aktres, “Yeah, the doctor declared… as of now, puwede mo nang sabihin na survivor ka at cancer-free.”
Ito rin aniya ang dahilan kung bakit napansin ang ilang pagbabago sa kanyang hitsura. “This will explain bakit naging istrikto ako sa sugar diet ko, bakit nagkaroon ako ng melasma at bakit biglang nag-darken ang skin ko.”
Nagsimula raw ang lahat nang kumbinsihin siya ng doktor na magpa-mammogram after ng kanyang gall bladder operation noong 2024. “Sabi ko noon, next year na lang kasi natatakot ako sa puwedeng malaman,” pag-amin niya.
At dun nga nalaman na cancerous ang nakita sa kanyang dibdib kaya agad silang lumipad ng mister na si Paul Jake Castillo pa-Singapore.