Advertisers

Advertisers

Atty. Rey Bergado proud sa mga anak na sumusunod sa kanyang yapak

0 11

Advertisers

Ni Archie Liao

Tulad ng kanilang amang si Atty. Rey Bergado, sumabak na rin sa musika ang magkapatid na sina Migo at Ronan.

Gayunpaman, nilinaw ng abogado at dating leader ng bandang InnerVoices, na hindi niya hinikayat ang kanyang mga anak na magbanda.

“Ang totoo, di ko sila pinayagan.On their own, nagtayo sila ng banda.But siyempre, parang ibang magulang, sinusuportahan mo sila. Nakita ko iyong passion sa kanila.Since nakita ko naman iyon, naturally di ko sila pinilit, di ko sila inimpluwensyahan.They just picked up iyong guitars at sinuportahan ko naman sila.Binilhan namin sila ng gamit.So more on hinayaan namin sila dahil hindi naman sila puwedeng pigilan,”pagbabahagi ni Atty.Rey.

Ayon naman kay Migo, sariling desisyon daw niya ang pagpalaot sa musika.

“On my own talaga ako.I love music during my free time.It’s my own decision talaga. When I was a child, I took piano lessons. Iyong singing, no one taught me that, so, my dad was shocked when he learned that I’m singing,”hirit niya.

Para naman kay Ronan, malaking impluwensiya sa kanyang musika ang kanyang dad.

“He’s a big influence talaga along with my band kasi when we’re just starting tinatanungan talaga namin siya ng advice, “pahayag ni Ronan.

Dahil pareho na silang sumabak sa musika, nilinaw naman ng dalawa na walang kumpetisyon o sibling rivalry sa kanila.

“Hindi naman,”pakli ni Ronan.

“Kami naman suportahan kami sa isa’t-isa,” ani Migo.

Ipinaliwanag din ni Atty. Rey kung bakit may kanya-kanyang banda ang mga anak sa halip na magkasama.

“Iyong banda kasi ni Ronan, sumali sila sa “Battle of the Bands.” Magkakaklase sila sa high school.So buo na sila, dati pa.Later on, nabuo iyong “The Sonnets.”

So walang chance na magbanda sila together, “bulalas niya.”I prefer din na magkahiwalay sila. May kanya-kanya kasi silang style ng music.Iba iyong music nila. If magkahiwalay sila, they could pursue their musical identity. They’re together but different at the same time.At ako, masaya ako na dalawang banda ang inaalagaan namin ngayon,” pahayag niya.

Sobra namang bilib si Atty.Rey sa talento at potensyal ng mga anak.

“To be honest, mas magaling sila sa akin.Iyong age nila at iyong age ko noon, mas magaling silang banda at magaling sila as musicians.I hope makita ko ang sarili ko sa kanila in the future to finish their studies. That they work and pursue music at the same time,”pahabol niya.

Si Ronan na rhythm guitarist at songwriter ng bandang 25 Abbey ay 20 years at kasalukuyang kumukuha ng nursing.

Si Migo naman na bokalista at composer ng bandang The Sonnets ay graduating din sa nursing ngayong taon.

Ilan sa mga obrang nilikha ni Migo ang Marinig, Hanggang Ngayon at Ambon.

Si Ronan naman ang composer ng mga awiting Pagkakamali, Sa Akin Ka Na Lang at Orasan.

Ang kanilang mga grupong 25 Abbey at The Sonnets ay nag-perform kamakailan sa Universiteen 2.0 concert sa Hard Rock Cafe sa Makati kasama ang mga bandang Next One, Waki and the Winstons, GraceNote, Better Days, Hey June. May special participation din si Kenaniah at ang Imago band.