Advertisers

Advertisers

Sanya Lopez foreigner ang ‘mystery bf

0 3

Advertisers

Ni Anne Venancio

Unti-unti nang lumalabas ang detalye tungkol sa “mystery man” ni Sanya Lopez matapos niyang kumpirmahin na ipinakilala na niya ito kina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, at Gabbi Garcia, ngunit hindi pa rin niya ito isinasapubliko.

Ayon sa aktres, ang tatlong kaibigan ang unang nakakaalam at nakakita sa kanyang relasyon.

Dagdag pa niya, mas espesyal ang kanyang nararamdaman dahil isang foreigner ang nagpapasaya sa kanya.

Samantala, bilang paghahanda sa pelikulang Midnight Girls, sumailalim sa immersion sa Japan si Sanya kasama sina Jodi Sta. Maria, Loisa Andalio, at Jane Oineza upang mas maunawaan ang buhay ng mga entertainer sa isang “omise” o club.

Ayon kay Sanya, tumira at nakisalamuha sila sa mga entertainer sa Nagoya, Japan bilang bahagi ng kanilang research para sa mas makatotohanang pagganap.

Ikinuwento rin niya na unang beses nilang sumabak sa immersion ay hindi alam ng mga Japanese customers na sila ay mga artista at itinuring lamang silang mga bagong empleyado.

Dagdag pa niya, si Jodi Sta. Maria ang nagmungkahi ng immersion upang mas mapalalim ang kanilang pag-unawa sa mga karakter, kabilang ang tamang pakikisalamuha at mga simpleng gawain tulad ng pag-toast at pagbubuhos ng inumin.