Advertisers

Advertisers

SEN. ERWIN TULFO, NAMAHAGI NG PATROL CARS SA IWAHIG PRISON

0 4

Advertisers

Pormal na ipinagkaloob ni Senador Erwin Tulfo, sa pamamagitan ng kanyang Deputy Chief of Staff na si Francis Tulfo, ang dalawang patrol cars sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa, Palawan nitong ika-18 ng Mayo.

Bilang isang masugid na tagataguyod ng pagpapabuti ng correctional facilities sa Pilipinas, naglaan si Senador Erwin Tulfo ng mga patrol vehicle upang katuwangin ang kaukulang hakbang ng Bureau of Corrections (BuCor) sa pagtupad ng mandato nito.

“Nais kong malaman ninyo na hindi nagtatapos dito ang ating tungkulin. Sa pamamagitan man ng pagpasa ng mga bagong batas o pagbibigay ng mga konkretong solusyon tulad nitong mga sasakyan, laging handang tumulong ang aming tanggapan. Bilang bahagi ng pamahalaan, tungkulin nating tulungan ang BuCor na makamit ang kanilang mga layunin at misyon,” pahayag ni Deputy Chief of Staff Francis Tulfo.

Noong nakaraang Abril, dinaluhan din ng Senador ang groundbreaking ceremony para sa bagong 10-hektaryang pasilidad ng bilangguan sa Iwahig.

Sa naturang pagkakataon, ipinaabot niya ang kanyang pagkabahala na ang mas malawak na pasilidad ay maaaring magdulot ng karagdagang pasanin sa mga tauhan ng BuCor kung hindi sapat ang kagamitan.

“Inaasahan na mas maraming PDL (Persons Deprived of Liberty) ang ililipat dito. Kailangan nating matiyak na laging handa ang lahat, kabilang na ang mobilisasyon ng mga tauhan, para sa kaligtasan ng mga komunidad sa paligid ng Iwahig at para sa pagtupad ng mandato ng BuCor,” anang mambabatas. (JERRY S. TAN)