Advertisers

Advertisers

NBI: Iba pang personalidad maiisyuhan ng ICC warrant

0 2

Advertisers

MAS marami pang perso-nalidad ang posibleng maharap sa warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC), ayon kay National Bureau of Investigation (NBI), Atty. Director Melvin Matibag.
“We have information that there are several na maisyuhan pa ng warrant ng ICC,” ani Matibag.
Tiniyak niya na handa ang NBI na ipatupad ang mga posibleng warrant sa oras na mailabas ang mga ito.
“It doesn’t matter who he is or kung ano man krimen niya. Basta may warrant, meron talaga kaming protocol na. So, kung may lumabas na additional warrant of arrest, we are always ready to enforce and to serve the warrant,” dagdag pa niya.
Ginawa ni Matibag ang pahayag sa gitna ng patuloy na paghahanap ng mga awtoridad kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa, na nahaharap sa warrant of arrest mula sa ICC kaugnay ng kasong crime against humanity bunsod ng war on drugs.
Matatandaang sinubukan ng NBI na isilbi ang warrant kay Dela Rosa sa Senado noong nakaraang linggo, Mayo 11, ngunit inilagay ito sa ‘protective custody’ ng Senado. Gayunman, umalis ang senador sa gusali noong Mayo 14.