Advertisers

Advertisers

PLUNDER VS JINGGOY, JOEL NAKAKASA NA! – DOJ

0 6

Advertisers

INANUNSYO ng Office of the Ombudsman na sasampahan na nila ng kasong plunder sa Sandiganbayan si Senador Jinggoy Estrada kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, pipirmahan niya ang criminal information laban sa senador bago ito isumite sa Sandiganbayan, na inaasahang maisasampa sa Huwebes.

Bukod sa plunder, kasama rin ang iba pang kaugnay na kaso.



Nauna nang inirekomenda ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng plunder, graft, at direct bribery charges laban kay Estrada at ilang opisyal, kabilang si dating Public Works Secretary Manuel Bonoan.

Ipinaliwanag ni Remulla na bahagyang naantala ang paghahain ng kaso dahil kinailangang ayusin at linawin ang resolusyon upang mas maging matibay ang ihahaing impormasyon.



Dagdag pa ng Ombudsman, may iba pang sangkot sa kaso ngunit ang ilan ay posibleng gawing state witnesses dahil mahalaga ang kanilang testimonya sa imbestigasyon.

Samantala, mariin namang itinanggi ni Estrada ang anumang pagka-kasangkot sa iregularidad at iginiit ng kanyang kampo na wala umanong ebidensyang mag-uugnay sa kanya sa sinasabing kickbacks.



Maliban kay Estrada, hinog na rin umano ang kaso laban kay Senador Joel Villanueva.

Sa loob aniya ng dalawang linggo ay makakapaghain na sila ng kaso laban kay Villanueva sa Sandiganbayan na kaugnay din sa anomalya sa flood control project.