Advertisers

Advertisers

2 WANTED SA KASONG RAPE, ARESTADO SA RIZAL!

0 7

Advertisers

Dalawang wanted sa kasong qualified rape at statutory rape ang naaresto sa magkahiwalay na bayan sa lalawigan ng Rizal ng mga awtoridad kahapon.

Unang nadakip si alyas “Roberto” wanted sa regional level dakong 1:00 ng hapon sa Sampaloc Road, Brgy., Plaza Aldea, Tanay Rizal.

Gamit ng Provincial Intelligence Unit Alternative Recording Device at warrant sa kasong qualified rape na may CC#25-094 na may petsang January 27, 2025 na inisyu ni Hon. Rebecca De Guzman-De Guzman Presideng Judge RTC branch 68 ng Binangonan Rizal.

Ikalawang nabitag ng awtoridad si alyas “Charles” sa E. Villafranca St., Brgy., Tatala, Binangonan dakong 3:25 ng hapon sa kasong Statutory Rape.

Nasakote ang suspek sa operation kontra wanted person bitbit ang warrant of arrest laban dito na inisyu ni Hon m Anna Francesca M. Limbo Presiding Judge RTC Fourth Judicial Region branch 68:ng Binangonan Rizal.

Base sa talaan ng korte, nangyari ang kasong Statutory Rape na kinasasangkutan ni alyas ” garles” noong January 28, 2024.

Kapwa walang nakalagak na piyansa para sa kanilang pansamantalang kalayaan ang korte at kapwa ito nakapiit sa Binangonan detention cell. (Edwin Moreno)