Advertisers
By Beth Gelena
Naniniwala si Ashley Ortega na mahalagang makilala muna nang lubos ang isang tao bago pumasok sa kasal, dahil malaking commitment ito na nangangailangan ng understanding, trust, at compatibility.
Ang Kapuso aktres ay ang girlfriend ni Mavy Legaspi. Siya ang naging kapalit sa puso ni Mavy Legaspi, after na magbreak sila ni Kyline Alcantara.
Praktikal niyang sinabi: “Gusto ko live in muna bago kasal or basically pag engaged na tapos nagsasama na sa bahay kasi dun mo makikilala yung tao.”
Ayon kay Ashley, mahalagang makilala nang mabuti ang isang tao bago magdesisyong magpakasal dahil isa itong malaking commitment na nangangailangan ng malalim na pag-unawa, tiwala, at pagkakatugma ng mga personalidad at mga layunin sa buhay.
Sa pananaw niya, hindi sapat ang pagmamahalan lamang; mahalaga ring masubok ang relasyon sa iba’t ibang sitwasyon upang makita kung paano haharapin ng magkapareha ang mga hamon at responsibilidad na kaakibat ng pag-aasawa.
Ang pahayag na ito ay umani ng atensyon lalo na dahil sa kanyang relasyon kay Mavy, kung saan marami ang nagtatanong kung nakikita na ba nila ang posibilidad ng kasal sa hinaharap.
Matagal na ring magkarelasyon ang dalawang Kapuso artists, and so far naman walang intrigang nagaganap sa celebrity couple, kumbaga very smooth ang kanilang relasyon.
Katunayan sa panayam nga ni Kuya Boy sa programang Fast Talk With Boy Abunda, inamin ni Ashley na swak ang relasyon nila ng anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.