Advertisers

Advertisers

18 testigo sa SBR hearing ‘wag tawaging “ex-Marines” – AFP

0 4

Advertisers

SINABI ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na “misleading” na tawagin “ex-Marines” ang 18 indibidwal na nagsabing sila ay dating sundalo na nagsilbing “bagmen” sa pagdadala ng male-maletang pera bilang kickbacks mula sa public works funds.
Ayon sa AFP, wala na sila nasa serbisyo noong panahon ng mga umano’y paghahatid ng pera, at hindi rin lahat ay tunay na dating Marines, pahayag ng Philippine Navy.
“Labeling them as such might suggest AFP participation in the alleged operation,” ayon kay AFP Public Affairs chief Colonel Xerxes Trinidad.
Dagdag pa ng AFP, dapat silang tukuyin bilang “witnesses, affiants, or former staff/bodyguards” ng mga taong sangkot sa isyu.
Ang grupo ay unang ipinakilala sa publiko ng abogado na si Levito Baligod noong Pebrero 24, at kalaunan ay sinuportahan ni dating kongresista Mike Defensor.
Ayon sa mga alegasyon sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, iniuugnay sila sa paghahatid ng cash mula kay Ako Bicol Representative Zaldy Co papunta kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Rep. Sandro Marcos, dating Speaker Martin Romualdez, at iba pang mambabatas—na mariing itinanggi ng mga pinangalanan.
Hinamon naman ng ilang mambabatas ang grupo na humarap sa susunod na pagdinig sa Lunes upang patunayan ang kanilang mga pahayag.
Samantala, ilan sa mga opisyal at mambabatas na tinukoy ay tinawag ang mga akusa-syon na kasinungalingan at sinabing magsasampa ng kaso para sa libel.
Iginiit din ng mga mambabatas na ang pagharap ng mga witness sa opisyal na imbestigasyon ang magiging basehan upang masuri ang kredibilidad ng alegasyon.