Advertisers

Advertisers

MAGSASAKANG REPORTER GINAWARAN NG LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD

0 6

Advertisers

GINAWARAN ng Lifetime Achievement award for innovation and advocacy in sustainable Agriculture and Urban Gardening ang Magsasakang Reporter.

Si GADMER “MER” LAYSON ay Reporter at Kolumnista ng Pilipino Star Ngayon (PSN) Television Host ng Masaganang Buhay sa OnePH ng TV5, Agri-Entrepreneur at Urban Farming Advocate.

Ayon kay Amb. Doc. Maria Liza Lorenzo, President at CEO ng Dangal ng Lahing Pilipino Star Award 2026, natatangi ang kontribusyon ni Layson sa pagpapalaganap ng makabagong agrikultura, urban gardening at sustainable farming practices sa bansa.

Sinabi ni Amb.Doc. Lorenzo, ginamit ni Layson ang kanyang sipag, talento at diskarte upang maihatid sa milyun-milyong Pilipino ang kahalagahan ng agrikultura bilang susi sa seguridad sa pagkain, kabuhayan, at pangmatagalang kaunlaran.

“Sa kanyang walang sawang pagod sa pagsusulong ng urban farming, hydroponics, container gardening, at iba pang modernong pamamaraan ng pagtatanim, nabigyang-inspirasyon niya ang maraming pamilya, kabataan, at komunidad na maging produktibo kahit sa limitadong espasyo” Ani Amb. Doc. Lorenzo.

Payahag pa ni Amb. Doc. Lorenzo, Sa pamamagitan ng programa sa Telebisyon, Kolum, Artikulo, Seminar, at personal na adbokasiya ni Layson ay naging tulay ito sa pagitan ng kaalaman at pagkilos, na nagbigay ng praktikal na solusyon sa mga hamon ng pagkain, kalikasan, at kabuhayan.

“Ang kanyang tagumpay bilang Magsasakang Reporter at tagapagtaguyod ng agrikultura ay nagsilbing huwaran ng sipag, inobasyon, at malasakit sa kapwa” sabi pa ni Amb. Doc. Lorenzo.

Iginagawad kay Layson ang pagkilala kamakalawa ng gabi sa Lime Resort Hotel dahil sa natatanging programa, inobasyon, at walang sawang paglilingkod para magkaroon mas masagana, luntian, at sustenableng kinabukasan ng sambayanang Pilipino.

Taus-puso naman nagpapasalamat si Layson, una sa Panginoon, pangalawa kay Virgie Rodriguez na siyang nag-mominate sa kanya at sa pamunuan ng Star Award 2026 Dangal ng Lahing Pilipino.