Advertisers

Advertisers

Killer ng ‘ninong’ ng Philippine billiards tukoy na

0 15

Advertisers

ANIM katao ang isinasangkot sa pagpaslang sa kinikilalang “ninong” ng Philippine billiards na si Ceferino “Perry” Mariano at sa kanyang driver sa Quezon City noong Abril 28, 2026, na ayon sa pulisya ay planado ang krimen.

Ayon kay Brigadier General Randy Glenn Silvio, direktor ng Quezon City Police District (QPCD), inihahanda na nila ang pagsasampa ng kasong murder laban sa mga suspek sa city prosecutor’s office.

Tumanggi ang opisyal na pangalanan ang mga suspek para hindi makompromiso ang isinasagawang pagtugis sa mga ito, pero sinabing ang anim kabilang ang gunman na bumira kay Mariano at sa kanyang driver na si Norberto Orimaco sa kanto ng Timog Avenue at EDSA sa Barangay South Triangle ay tukoy na.



“The gunman is from Mindanao,” sabi ni Silvio sa Viber message sa media.

Kasalukuyang nakikipagtulungan ang QCPD sa National Bureau of Investigation sa pag-alam sa criminal backgroudn ng gunman, kabilang ang pagkakasangkot nito sa ibang krimen ng mga pagpatay.



Nauna nang nakilala ng pulisya ang kasamahan ng gunman, ang nagmaneho ng motorsiklong ginamit sa pag-atake.

Nabatid sa imbestigasyon na may apat na indibidwal na sangkot sa pagpatay kay Mariano.



Ayon kay Silvio, ang iba pang mga suspek, na tukoy narin ng mga imbestigador ang pangalan, ay naging bahagi ng pagmamanman sa operasyon laban kay Mariano.

“There were other members in the surveillance operation before the shooting,” ani Silvio, sinabing nakilala ng QCPD ang mga ito dahil magkasama ang mga ito sa isang lugar bago ang pamamaslang.

Ayon sa pulisya, tinitingnan nilang motibo ang business rivalry sa krimen.

Sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na tinitingnan nila ang background ni Mariano bilang may-ari ng nightclubs at gambling joints, na maaring motibo ng pagpatay sa kanya.