Advertisers
By Anne Venancio
Ibinahagi ng aktres na si Ritz Azul ang emosyonal na pinagdaanan nila ng kanyang asawa na si Allan Guy bago nila natanggap ang kanilang unang anak.
Sa isang social media post, inilahad ng aktres na dumaan sila sa tatlong pagbubuntis bago naging matagumpay ang huli. Noong 2024, nakaranas siya ng miscarriage sa early stage ng pagbubuntis. Sumunod noong kalagitnaan ng 2025, nagkaroon siya ng ectopic pregnancy na kusang nawala at hindi na kinailangan ng operasyon. Sa huling bahagi ng 2025, muli siyang nag-positive sa pregnancy test at dito na natuloy ang pagbubuntis hanggang sa panganganak.
Aminado si Ritz na matapos ang mga naunang loss, naging mahirap para sa kanila ni Allan na maging kampante at magdiwang sa mga sumunod na positibong resulta ng pregnancy test dahil sa takot na maulit ang mga nangyari.
Sa kabila nito, nanatili silang may tiwala at pananalig habang pinagdaraanan ang high-risk pregnancy. Sa huli, matagumpay niyang naipanganak ang kanilang anak sa pamamagitan ng normal delivery.
Ayon sa aktres, malaking aral ang kanilang pinagdaanan, kabilang ang pagtanggap na hindi lahat ng bagay ay kontrolado ng tao at mahalaga ang patuloy na pananampalataya at pagdarasal.
Kasabay ng kanyang pahayag, nagbahagi rin si Ritz ng mga larawan at video mula sa kanyang pagbubuntis bilang pagbabalik-tanaw sa kanilang emosyonal na journey bilang mag-asawa.