Advertisers

Advertisers

44 criminal case vs ‘BGC Boys’ na may P1.68b utang sa buwis

0 3

Advertisers

NAKATAKDANG isampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Court of Tax Appeals anumang araw ang P1.68-bilyon tax case laban sa “BGC Boys”, mga dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Jaypee de Leon Mendoza, Henry Alcantara, at Brice Hernandez, anumang araw.
Ayon sa BIR, may clearance at approval na silang nakuha mula sa Department of Justice (DOJ) para sa paghahain ng 44 kasong kriminal laban sa mga nabanggit na indibidwal.
Batay sa tatlong magkakahiwalay na resolusyong inilabas ng DOJ, may sapat na mga batayan at ebidensya para sa pagsasampa ng patung-patong na kaso.
Ginamit din ng BIR ang expenditure method, na itinuturing nilang ebidensya ang mga gastos na lagpas sa idineklarang kita na hindi iniulat. (Jocelyn Domenden)