Advertisers
PATAY ang isang mataas na lider ng New People Army (NPA) nang makigbarilan sa mga otoridad sa Kalayaan, Laguna, Biyernes ng madaling araw.
Kinilala ni Lt. Col. Jesus Diocton, Commanding Officer ng 1st Infantry Battalion, ang nasawing lider ng mga rebelde na si Mario Caraig alias Jet, secretary ng Southern Tagalog Regional Party Committee SRMA4.
Ayon kay Diocton, 12:10 ng madaling araw nang magsagawa ng operation ang pinagsanib na elemento ng militar at 2nd Laguna Provincial Mobile Force Company sa Sitio Buho, Barangay San Antonio, Kalayaan.
Nakatanggap ng report ang mga otoridad mula sa mga residente na namataan si Caraig na naglilibot sa nasabing lugar.
Habang nagsasagawa ng beripikasyon ang mga operatiba, mamataan ang target na nakatayo sa isang kalye. Nang lapitan ito ng mga operatiba, nagbunot ito ng baril at mabilis na tumakbo sa pinagtataguang bahay.
Gumanti ng putok ang mga operatiba na nagresulta ng pagkasawi ni Caraig.
May warrant of arrest si Caraig na may kasong Multiple Attempted Murder, Multiple Murder at Multiple Frustrated Murder. (Mark Obleada/Dick Garay)