Advertisers
Naghain si Senator Erwin Tulfo kasama ang kanyang abogado, Atty Jovito Barate, ng mga bagong kasong grave oral defamation na may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act of 2012 laban kina Jeron Valderama at Bernard Gumban (na nagpakilalang mga dating bodyguard), Atty. Levito Baligod, dating Congressman Mike Defensor, kasalukuyang Quezon City Councilor Ranulfo Ludo-vica, at Atty. Virgilio Garcia sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office.
Nag-ugat ang kaso sa mga paratang na binitiwan sa isang hindi awtorisadong pagtitipon, na nagsimula bilang Blue Ribbon Hearing ngunit nauwi sa isang press conference, sa Doublegem EDSA Garden Events Place noong Hunyo 16, 2026.