Advertisers

Advertisers

Runbike unang hakbang para sa mga batang siklista tungo sa Olympic glory

0 5

Advertisers

Unti-unti nang ipinakilala ang sport na runbike bilang isa sa mga sports na maaring maging unang hakbang para sa mga batang atleta upang makamit ang inaasam na pangarap na makalaro sa iba’t ibang international competitions gaya ng SEA Games, Asian Games, at Olympics.

Yan ang misyon ng Kick2Pedal (K2P) Runbike Racing Philippines na nagoorganiza ng mga runbike competition sa iba’t ibang panig ng bansa kasama na ang kakatapos lang na Karera ng Pilipinas International Race na idinaos nitong weekend sa TLC Park sa Taguig City.

“Runbike racing or pushbike racing started two years ago. Parang yung objective po natin dahil may nakikita kaming mga malaking races para sa mga bata sa Asia pero sa Pilipinas, meron pong maliliit na races sa mga malls at parking lot, ngayon for the last 10 years, nag-grow na ang sport pero ang runbike siya po ang highest level na competitive.”, sinabi ni Sofia Genato, K2P Runbike Racing Philippines director at pioneer sa lingguhang Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sports Forum.

Dagdag rin niya na nakakatulong ang paglalaro ng runbike racing upang mag-excel pang lalo ang kanilang mga athletic careers habang nasang wastong gulang pa sila at mabawasan ang oras sa paglalaro ng gadgets dahil ito lang ang isa sa mga sports na maaring laruin kahit ang mga nasa edad dalawang taong gulang pababa.

“Gusto namin lumaki at lumawak siya kasi ang mga parents ngayon ay naghahanap na other activities ang mga kids so hindi mag-screentime at maging active at healthy ang lifestyle and this is the only sport for age 2 to 12 years old. In fact, ang anak ko [Little Hudson Hornet] nagumpisa mga 19 months old, ang goal namin is to have world class events for the kids para dumami ang races.”, wika rin niya sa forum na sinuportahan ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.

Kasama ni Genato sa nasabing forum sina Jeff Cruz, Irvin Tan at Renee Principe at mga champion runbike racers na sina Noah Tan, Hudson Schoonmaker, Juan Dominique Uno Principe at Zoe Cruz.

Ibinahagi ni Principe ang mga natutunan ng sport para sa mga kabataan para i-mulat sa kanila na kailangang i-expose sa mga higher-level competitions.

“Meron kaming mga triathlon for kids. May transition for triathlon, by learning how to bike at sa social media, may mga nakikita namin mga competitive races ang runbike racing. We as a family, we love travelling, we explore and compete races for a much memorable trip for us.”, binahagi ni Renee.

Nais pa ng grupo ng magdaos pa ng iba’t ibang mga world class races na maaring dalhin sa Pilipinas upang mapalawak ang interes ng publiko sa naturang sport.

Susunod na paghandaan ng K2P ang August 8-9 na international race sa Thailand at sa September at November, pati na rin ang pagdaraos ng iba’t ibang runbike races sa Mindanao. Hinihikayat rin nila ang mga private sponsors na tumulong para sa lumalaking runbike community lalo na sa grassroots level.