Advertisers

Advertisers

Matibag, kinumpirmang endorser ng impeachment complaint ang kanyang asawa

0 5

Advertisers

KINUMPIRMA ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na kabilang sa mga nag-endorso ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte ang kanyang asawang si Maria Rene Ann Matibag.

Ito ay makaraang ituro ni Atty. Mark Vinluan na ang asawa ni Matibag na si Rep. Ma. Rene Ann Lourdes Matibag ay isa sa mga nag-endorso ng House Resolution 989 na naglalaman ng articles of impeachment laban kay Duterte.

Ayon kay Matibag, hiwalay at walang kaugnayan ang papel ng kanyang asawa bilang mambabatas sa kanyang tungkulin bilang direktor ng NBI.



“Yes, my wife is one of the endorsers of the impeachment,” pahayag ni Matibag.

Binigyang-diin din niya na ang trabaho ng kanyang asawa ay “totally detached” mula sa kanyang tungkulin bilang direktor ng NBI.



Humarap sa Senado si Matibag bilang huling testigo ng prosekusyon para sa Article IV ng Articles of Impeachment.

Tinalakay sa kanyang pagharap ang umano’y “grave threats” na iniuugnay kay Vice President Sara Duterte laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.



Samantala, sinabi ni Vinluan na walang inilabas na subpoena laban kay Matibag, na kinumpirma naman ni Senate impeachment court presiding officer Francis Escudero.

Gayunman, nilinaw ni Escudero na hiniling ng counsel ng prosekusyon na imbitahan si Matibag at siya ay pinangalanang dumalo sa mga pagdinig noong nakaraan at kahapon.

Ipinaliwanag naman ni Matibag na ang kanyang pagharap sa impeachment court ay bunsod ng imbitasyon ng House of Representatives Committee on Justice at ayon sa kanyang pagkaunawa ay bilang pagtugon sa proseso ng impeachment court. (Mylene Alfonso)