Advertisers

Advertisers

Suspek sa mga ‘bomb threat’ sa iskul sa Bulacan timbog

0 2

Advertisers

Naaresto ng mga pulis sa Bulacan ang 18-anyos na suspek na nasa likod ng serye ng mga online bomb threats sa mga pampubliko at pribadong paaaralan sa San Ildefonso.
Sinabi ni Police Regional Office 3 chief PBGeneral Jess Mendez, na tinunton nila ang suspek sa Barangay Hilera sa bayan ng Jaen, Nueva Ecija.
Kasama nila ang mga kasapi ng pulisya mula sa San Ildefonso Municipal Police Station sa Bulacan Police Provincial Office, Talavera at Jaen Municipal Police Stations sa ilalim ng Nueva Ecija Police Provincial Office.
Sa isinagawang matinding intelligence gathering ay agad nilang hinahanap ang suspek na nasa likod ng nasabing mga ‘bomb threat’.
Nabawi sa suspek ang cellphone na pinaniniwalaang ginamit sa pananakot sa mga paaralan.
Isasailalim ang pagkuha ng cellphone sa technical at forensic examination ng Provincial Anti-Cybercrime Unit bilang bahagi ng imbestigasyon.
(Thony Arcenal)